FDA , Iimbestigahan ang pamamahagi ng Ivermectin sa Quezon city

Kumilos na rin ang Food and Drug Administration para imbestigahan ang insidente ng pamimigay ng Ivermectin sa Quezon City kahapon.

Partikular ang pangyayari kung saan ang ipinamigay na reseta ay nakasulat lang sa isang bond paper at kulang ang mga detalye patungkol sa doktor na nagreseta gaya ng pangalan nito at license number.

Ayon kay FDA Dir. Gen. Eric Domingo, inaalam na ng kanilang regulatory enforcement unit ang sitwasyon.

Una rito, sinabi ni Health Usec Ma Rosario Vergeire na sa ilalim ng batas dapat ang isang reseta na prescription ay naglalaman ng mga detalye gaya ng pangalan ng pasyente, instructions patungkol sa inireseta, pangalan ng doktor, pirma nito, license number nito at tax receipt number.

Madz Moratillo

Please follow and like us: