Filipino lawyer na pinagbabaril sa Philadelphia, pumanaw na

Pumanaw na ang Filipino lawyer na una nang idineklarang brain dead matapos pagbabarilin sa loob ng sasakyan sa Philadelphia, USA.

Ayon kay Foreign Affairs Secretary Teodoro Locsin Jr., si Atty. John Albert “Jal” Laylo ay bumibisita sa Amerika at dakong alas-4:00 ng madaling-araw ng Linggo habang patungong airport kasama ang kaniyang ina para sa kanilang flight pa-Chicago ay pinagbabaril ang sinasakyan nilang Uber.

Isa sa mga bala ay tumama sa ulo ni Laylo habang ang ina niya ay bahagyang nasugatan matapos tamaan ng mga nabitak na salamin ng sasakyan.

Una nang idineklarang brain dead ang abugado matapos dalhin sa isang pagamutan.

Nananatili pang nakakalaya ang mga salarin.

Ayon naman kay Locsin, nakausap na nila ang ina ni Laylo at tiniyak na ipagkakaloob ang lahat ng tulong para sa mga biktima.

Please follow and like us: