First Quarter National Simultaneous Earthquake Drill, itinakda sa Marso 10

Inanunsiyo ng Office of Civil Defense (OCD) na sa Marso 10 gaganapin ang unang Online National Simultaneous Earthquake Drill (NSED) ngayong taon.

Sa Facebook post ng OCD, sinabi na gaganapin ang drill alas-9:00 ng umaga pero magsisimula ang mga programa ng NSED alas-8:00 pa lamang ng umaga.

Para sa mga karagdagang anunsiyo patuloy na magmonitor sa Civil Defense PH page, ang official OCD Facebook account.

Nananatili namang suspendido ang in-person earthquake drill sanhi ng Covid-19 Pandemic.

Matatandaang ginanap ang first at second quarter NSED noong March 11 at June 10 ng nakalipas na taon habang noong September 16 at November 11 naman ang third at fourth quarter drill.

Mapapanood ang NSED via live streaming sa Civil Defense PH at Facebook pages ng National Disaster Risk Reduction Management Council.

Please follow and like us: