Fishing vessel lumubog sa N. Cebu, 9 nawawala

Siyam na crew members ang nawawala pa rin, makaraang lumubog ang sinasakyan nilang fishing vessel sa Tanguingui Island sa Northern Cebu kahapon (Sept. 24).

Ayon sa Phil. Coast Guard (PCG), ang siyam ay kasama ng 31 crew ng FV St. Peter The Fisherman II na lumubog bandang ala-1:00 ng madaling araw dahil sa malakas na hangin at malalaking alon.

Dalawampu’t dalawa mula sa 31 crew ang nailigtas ng mga tauhan ng FV Old Man and the Sea, na sister vessel ng lumubog na fishing vessel.

Nagsagawa naman ng physical examinations sa mga nailigtas na crew, ang medical personnel ng Cadiz City Health Office.

Samantala, naglunsad na ang PCG ng search operations para sa mga nawawala.

Please follow and like us: