Fully vaccinated sa Maynila mahigit 1.4 milyon na

Umabot na sa mahigit 1.4 milyong indibidwal ang fully vaccinated na kontra COVID-19 sa Maynila.

Batay sa datos ng Manila LGU, ang mahigit 1.5 rito partially vaccinated.

Sa kabuuan, umabot na sa 2.9 milyong doses ng bakuna ang naiturok na sa Lungsod.

Sa mga menor de edad naman, umabot na sa 79 libo ang fully vaccinated na habang mahigit 113 libo ang nabigyan na ng unang dose ng bakuna.

Umabot naman na sa mahigit 73 libo ang nabigyan na ng booster shot sa lungsod.

Madz Moratillo

Please follow and like us: