FVR, bibigyan ng full military honors sa August 9

Pagkakalooban ng State funeral with full military honors ng BBM administration si dating Pangulong Fidel V. Ramos.

Ito ang kinumpirma ni Press Secretary Trixie Cruz-Angeles sa press briefing sa Malakanyang.

Ayon kay Angeles, sa August 9, araw ng martes , gagawin ang State funeral with full military honors para sa dating Pangulo.

Magugunita na bago naging Pangulo ng bansa si FVR ay naging hepe siya ng Philippine Constabulary at naging Vice Chief of Staff din ng Armed Forces of the Philippines sa panahon ng termino ng ama ni PBBM na si dating Pangulong Ferdinand Marcos Sr.

Gayunman, hindi na nagbigay pa ng detalye si Angeles kung personal na bibisita si PBBM sa burol ng dating Pangulo.

Sa libingan ng mga bayani ililibing ang dating Pangulo.

Eden Santos

Please follow and like us: