Game shirt ni Kobe Bryant, Isusubasta

Nakatakdang isubasta ng Sotheby’s auction house ang game shirt na pagmamay-ari ni Kobe Bryant.

Ito ang shooting-shirt na isinuot ng dating NBA legend bago ang kaniyang 81-point scoring performance laban sa Toronto raptors sa kasagsagan ng 2005-06 NBA season .

Ang naturang puntos ay nananatiling pangalawa sa highest total ng isang manlalaro sa single NBA game.

Kasunod ito ng 100-point rekord na naitala ni Wilt Chamberlain noong 1962.

Kasalukuyang naka-public display sa Los angeles gallery ang shirt ni Kobe.

Inaasahang magsisimula ang halaga nito sa 200-thousand dollars at sa unang pagkakataon ay tatanggap ang Sotheby’s ng cryptocurrency sa kanilang sports memorabilia.

Please follow and like us: