Gen. Emilio Aguinaldo Cavite, nakaalerto na sa posibleng pananalasa ng Bagyong Rolly ngayong araw

Nagpatawag ng Emergency Meeting si General Emilio Aguinaldo Cavite Mayor Nelia Angeles, bilang paghahanda sa pananalasa ng Bagyong Rolly sa kanilang bayan ngayong araw.


Kasama sa mga pinulong ng alkalde ang mga opisyal mula sa PNP, MDRRMO, BFP, MSWDO.


Ipinaalerto na rin ng alkalde ang mga barangay official sa kanilang bayan lalo na sa mga flood at landslide prone area sa kanilang lugar. 


Ipinahanda na rin ng alkalde ang mga rescue equipment na gagamitin sakaling kailanganin na ito kasama na ang mga relief goods na ipamimigay sa mga nangangailangan.


Nagtalaga na rin ang bayan ng General Emilio Aguinaldo Cavite ng mga evacuation center para sa kanilang mga kababayan sakaling kailanganin ang preemptive o force evacuation sa kanilang mga residente na nasa mga high risk area. 

Ulat ni Jet Hilario

Emergency Meeting ng mga opisyal ng Gen. Emilio Aguinaldo, Cavite sa Munisipyo
Please follow and like us: