General Eleazar, nagpasalamat kay Pangulong Duterte sa pagkakahirang sa kaniya bilang susunod na PNP Chief

Nagpasalamat si Police Lt. General Guillermo Eleazar kay Pangulong Rodrigo Duterte sa pagkakatalaga sa kaniya bilang susunod na hepe ng Pambansang Pulisya kapalit ni General Debold Sinas.

Sa statement na ipinalabas ni Eleazar, sinabi nito na bibihirang pagkakataon ang maitalaga bilang PNP Chief at tinatanggap niya ang kaakibat na hamon para sa mas maayos na liderato at serbisyo publiko sa mga mamamayan.

Ipinarating ni Eleazar ang pasasalamat sa Pangulo at kay Department of Interior and Local Government (DILG) Secretary Eduardo Año dahil sa paniniwala sa kaniyang kakayahan para pangunahan ang PNP.

Sa May 8 nakatakdang magretiro si PNP Chief General Debold Sinas.

Ang pagkakahirang kay Eleazar ay ibinatay sa Napolcom Resolution gaya ng Seniority, Merit, Service Reputation at Competence.

Please follow and like us: