Senior Citizens, nakatanggap ng financial assistance mula sa Gen. Trias City Gov’t

Matapos mamahagi ng Educational Assistance at Financial Aid sa mga estudyante at mga private school teacher sa General Trias City, ang mga Senior Citizen naman sa lungsod na may edad 80 to 99 anyos ang binigyan ng cash incentives mula sa pamahalaang panglungsod ng General Trias.

Ang mga senior citizen na 80-89 anyos ay binigyan ng tig-P5,000.00 habang tig-P10,000.00 naman para sa mga may edad 90-99 anyos.

Ang serye ng mga pamamahagi ng financial aid sa nasabing siyudad ay bahagi ng programa ng Pamahalaang panglunsod para tulungan ang kanilang mga residente na naapektuhan ng mga nagdaang kalamidad at pandemya ng COVID-19.

Ulat ni Jet Hilario

Please follow and like us: