General Trias City Gov’t, namigay ng Educational Cash Assistance sa mga College Students ng Cavite State Univ.

Namahagi ng Educational Assistance ang City Government of General Trias para sa mga college student na nagsisipag aral sa Cavite State University  sa kanilang bayan. 


Pinangunahan ito ni General Trias City Mayor Ony Ferrer at ni Cavite 6th District Representative Cong. Jon Jon Ferrer kasama ang mga miyembro ng sangguniang panlungsod ng General Trias.

Isinagawa ito sa General Trias Memorial Elementary School.   


Nasa mahigit 1,000 mga estudyante ang nakatanggap ng educational assistance na naghahalagang 3,000 pesos. 


Bukod sa cash assistance ay mayroon ding ipinamahaging mga school supplies sa mga estudyante para may magamit ang mga ito sa kanilang pag aaral. 

Ulat ni Jet Hilario

Please follow and like us: