” Ginebra, isang panalo na lang, champion na sa PHL Cup, PBA Bubble “

Isang panalo na lang kailangan ng Brgy Ginebra at magkakaroon na ng katuparan ang inaasam para sa unang kampeonato sa PBA Bubble, Philippine Cup, All pinoy conference matapos ng labing tatlong taon. Tinalo ng Ginebra ang TNT Tropang Giga nung game 4, 98-88 sa AUF, Angeles Pampanga.

Kinailangan ng kampo ng Gin king si Ironman, LA TENORIO na rumatsada ng husto para sa team upang tanghaling best player of the game na gumawa ng 22 points.

Sa pagkapanalo ng mga players ni coach Tim Cone ay lumiwanag ang tsansa na maiuwi ang kampeonato ng Philippine Cup At posibleng tapusin na nila ang best of seven championship game ngayong Miyerkules

Naging susi sa winning basket ang dalawang three points ni Tenorio. Bagamat nagpalitan sila ng Tira sa three point ni TNT RR Pogoy, bago matapos ang last buzzer ng laro.

.

Hindi tumigil ang beteranong player ng ginebra na si Tenorio para mag lay upang lumaki ng sampung puntos kalamangan sa TNT para tuluyan ng mahawakan ang panalo.

Please follow and like us: