Gobyerno ng Navotas, namahagi ng tulong sa mga senior citizen at PWD

Namigay nang tulong ang pamahalaang lungsod ng Navotas sa mga senior citizen.

Sa pangunguna ni Congressman John Rey Tiangco, ang tulong ay ipinamahagi sa tatlong barangya na kinabibilangan ng Barangay West, Barangay East at Barangay Sipac.

Ang ipinamahaging tulong ay bilang ayuda sa pangangailangang medikal ng mga senior citizen sa lugar.

Kasama rin sa mga binigyan ng ayuda ang persons with disability o PWD, maging ang mga umiinom na ng maintenance medicine.

Ulat ni Rey Ang

Please follow and like us: