Grand rally ng BBM-Sara UNITEAM sa Maynila, tuloy na

Matapos mahirapan sa pagkuha ng permit, sa wakas tuloy narin ang grand rally ng Bongbong Marcos – Sara Duterte tandem sa Sabado sa Maynila.

Ito ang inanunsyo ni Atty. Alex Lopez, mayoralty candidate at chairman ng Partido Federal ng Piliinas – Manila.

Una rito, nagreklamo si Lopez dahil sa pagpapahirap sa kanila para makakuha ng permit sa grand rally nina BBM sa Maynila.

Matatandaang una naring nagkaroon ng motorcade si BBM noong Pebrero sa Maynila dahil sa dami ng taong nag-abang sa kanya sa kalsada ay naging mabagal ang pag-usad ng caravan.

Sa gitna naman ng mga sinasabing posibleng maharap sa mga banta ng destabilisasyon si BBM sakaling manalong Pangulo ng bansa, iginiit ni Lopez na malabo itong mangyari.

Black propaganda lang daw ito ng mga talunang kandidato.

Kumpiyansa si Lopez na hindi susuportahan ng taong bayan ang anumang pagtatangkang patalsikin si BBM.

Madelyn Villar-Moratillo

Please follow and like us: