Grupo ng Frontliner, naghain ng COC para sa Party-list

Naghain na rin ng Certificate of Candidacy  sa Commission on Elections  ang mga kinatawan ng grupong Frontliner partylist para sa eleksyon sa Mayo.

Sinamahan pa ni Ms. World Philippines 2021 Tracy Maureen Perez sa paghahain ng kaniyang COC sa Pasay city ang kinatawan ng Frontliner partylist na si Jayke Joson.

Ayon kay Joson, kakatawanin niya ang lahat ng mga kabilang sa Frontliners tulad ng mga nurse, doktor, pulis, sundalo at iba pang mga grupo ng manggagawa na underrepresented.

Kasama rin aniya sa kanilang kakatawanin ang mga atletang Pinoy na gaya ng mga medical frontliner ay nagsasakripisyo para makatulong sa gobyerno at makapagbigay ng karangalan sa bansa.

Isa aniya sa kanilang isusulong na batas ang pagbabawal sa No Work, No Pay Policy kapag ang isang frontliner ay nagpositibo sa Covid-19.

Meanne Corvera

Please follow and like us: