Halos 10 milyong indibidwal, nabakunahan sa 5 araw na Bayanihan Bakunahan

Umabot na sa mahigit 9.9 milyong indibidwal sa bansa ang nabakunahan kontra Covid 19 matapos ang ginawang 5 araw na National Vaccination Day.

Ayon kay Health Usec Ma Rosario Vergeire, sa unang 3 araw ng Bayanihan Bakunahan ay masa mahigit 8 milyon ang nabakunahan.

Habang sa 2 araw na extension ng National Vaccination Day naman, may karagdagang 1.9 milyon ang nabakunahan.

Pero maaari pa aniyang maragdagan ang bilang na ito dahil patuloy pa ang pagkuha nila ng datos mula sa iba’t ibang rehiyon sa bansa.

Madz Moratillo

Please follow and like us: