Halos 13,000 ROFs, nagpositibo sa COVID-19; 12,656, gumaling

Aabot sa 12, 906 overseas Filipinos na umuwi sa bansa ang nagpositibo sa COVID-19 pagdating dito sa Pilipinas.

Pero ang magandang balita ayon sa Department of Health, ang 12,656 sa kanila ay nakarekober na.

Sa datos ng DOH sa mga nagpositibo sa COVID-19, 8, 107 ang land based habang ang 4,799 naman ay sea based.

Nananatili namang naka admit pa ang 247 sa kanila.

May anim naman sa mga nagpositibo ang nasawi.

Sa kabuuan, umabot na sa 855,782 returning overseas Filipinos ang nakauwi sa bansa sa gitna ng nagpapatuloy na pandemya.

Madz Moratillo

Please follow and like us: