Halos 200 jumper nakumpiska ng BuCor sa Bilibid

Kabuuang 159 na electric meters at sub-meters ang pinutol at nakumpiska ng Bureau of Corrections sa New Bilibid Prisons.

Ito ay kasunod ng direktiba ni Justice Secretary Crispin Remulla na imbestigahan ang mga jumper at electric meter na iligal na nakakonekta sa Bilibid.

Sinabi ni Remulla na ang mga jumper ay mula sa mahigit 200 bahay sa medium security compound ng NBP.

Isiniwalat ng kalihim na mga guwardiya mismo ng NBP ang nagma-may-ari ng mga bahay kung saan nakumpiska ang mga jumper.

Ayon sa justice chief, qualified theft ang pagkakabit ng nasabing mga iligal na koneksyon ng kuryente.

Aniya, pinapatunayan lang nito ang matinding kultura na namamayagpag sa loob ng Bilibid.

Moira Encina

Please follow and like us: