Halos 600K doses ng COVID-19 vaccines, naiturok na sa vaccine priority groups sa CALABARZON

Umaabot na sa halos 600,000 doses ng bakuna kontra COVID-19 ang naiturok sa A1 hanggang A4 vaccine priority population sa CALABARZON.

Sa pinakahuling tala ng COVID-19 Vaccination Data Management Unit ng DOH CALABARZON, kabuuang 577,701 na ang administered doses ng CoronaVac at AstraZeneca sa rehiyon.

Kaugnay nito, mahigit 450,200 katao na ang naturukan na ng unang dose habang lagpas 127,400 ang nakakumpleto na ng dalawang dose ng anti- COVID vaccines sa Region IV-A.

Hinikayat ng DOH CALABARZON ang mga indibidwal na naturukan ng first dose na kumpletuhin ang kanilang bakuna upang magkaroon ng dagdag na proteksyon laban sa COVID-19.

Moira Encina

Please follow and like us: