Halos 60K indibidwal sa CALABARZON, fully vaccinated na laban sa COVID-19

Umaabot na sa halos 60,000 indibidwal sa CALABARZON ang nakakumpleto na ng dalawang dose ng bakuna kontra COVID-19.

Sa pinakahuling tala ng COVID-19 Vaccination Data Management Unit ng DOH CALABARZON, kabuuang 59,660 ang fully vaccinated na laban sa COVID sa rehiyon.

Sa nasabing bilang ay 24,189 ang frontline healthcare workers; 15,484 ang senior citizens; at 19,987 ang person with comorbodities.

Nasa 267,000 naman ang naturukan ng unang dose ng anti- COVID vaccines sa Region IV-A.

Moira Encina

Please follow and like us: