Halos 900 Senior Citizen sa Tarlac city, nabakunahan na kontra Covid-19

Kasunod ng first round ng pagbabakuna sa mga A.1 Priority group, sumunod namang binakunahan kontra Covid-19 ang mga nakatatanda sa Tarlac city.

Kada Barangay ang ginagawang schedule ng pagbabakuna upang maiwasan ang pagdagsa ng maraming residente.

Isinasagawa ang vaccination sa Kaisa Convention Hall upang komportableng mabakunahan ang mga nakatatanda.

Mahigpit din ang pagpapatupad ng minimum health and safety protocols sa nasabing lugar.

Halos na sa 900 nakatatanda na sa lunsod ang nakatanggap na ng kanilang first dose ng bakuna.

Nananawagan naman ang lokal na pamahalaan na makipag-ugnayan sa kanilang mga Barangay officials para sa mga senior citizen na hindi pa nababakunahan.

Please follow and like us: