Halos P38-M halaga ng pekeng copper masks nasabat ng NBI

Nakumpiska ng NBI- NCR ang mga pekeng coppermasks sa ibat ibang tindahan sa Maynila at Pasay, at warehouse sa Biñan City, Laguna.

Ayon sa NBI, tinatayang may halagang Php37.95-M ang mga nasabat na fake coppermasks.

Dumulog sa NBI ang JC Premiere Business International para hilinging imbestigahan at aksyunan ang pagkalat ng mga counterfeit coppermasks.

Nakakuha naman ang NBI- NCR ng pitong search warrants mula sa Manila RTC para salakayin ang mga  tindahan at warehouse ng pekeng produkto dahil sa paglabag sa trademark infringement.

Sumaksi sa isinagawang operasyon ng NBI ang mga witnesses ng respondents, security ng mall, at mga tauhan ng barangay.

Moira Encina

Please follow and like us: