Hepe ng General Trias City PNP inalis na sa puwesto

Inalis na sa puwesto ang hepe ng pulisya ng General Trias City, Cavite na si Police Lt. Col. Marlo Solero.

Kasunod ito ng nangyaring pagkamatay ni Darren Peñarendondo na nakasama sa mga quarantine violator sa lungsod.

Napag-alaman sa affidavit ng iba pang quarantine violators na talaga ngang nagpataw ang mga tauhan ng pulisya ng physical punishment, imbes na community service lamang ang ipagawa sa nahuhuling lumabag.

Taliwas naman ito sa naunang pahayag ng hepe na hindi nga sila nagbigay ng utos na magpa physical exercise sa mga mahuhuling lalabag sa quarantine protocol.

Si Peñarendondo ay namatay dahil sa di-umanoy pinapag-pumping sila ng mga pulis ng mahigit sa isangdaan ulit.

Please follow and like us: