High quality and high paying jobs sa mga kabataang Pinoy ,iginiit ng isang Senador

Hinimok ni Senador Sonny Angara ang administrasyon na lumikha ng high quality at high paying jobs para sa mga kabataang Pilipino.

Sinabi ni Angara na batay sa pagdinig ng Senado, lumitaw na mayorya sa mga Pilipinong may edad na 15 hanggang 30 na may trabaho ang may pinakamababang level ang suweldo.

Sa datos aniya ng Philippine Statistics Authority, sa 13.8 million na mga kabataan karamihan sa kanila ay nasa industriya ng wholesale, repair Agriculture Forestry at construction na hindi kabilang sa high paying jobs.

Nangangahulugan na hindi sumasapat ang kita para sa kanilang pangangailangan o para sa pamilya.

Apela ng Senador paigtingin ng government agencies ang job creation para matulungan ang mga kabataan.

Meanne Corvera

Please follow and like us: