High-value drug personality, patay sa engkuwentro sa Camarines Norte

Patay ang isang high-value drug personality makaraang makipagbarilan sa mga pulis sa Daet, Camarines Norte.

Ayon sa Philippine National Police, nakilala ang suspect na si Merlito Senaon Bayta Jr., 37 anyos na nakuhanan ng P6.8 milyong halaga ng shabu.

Humingi pa ng tulong ang PNP sa Municipal Disaster Risk Reduction Management Office para madala sa pagamutan si Bayta matapos ang engkuwentro pero idineklara nang dead on arrival.

Maliban sa 1000 gramo ng shabu, nakumpiska rin sa suspect ang isang pistola at buy-bust money.

Kinilala naman ni PNP Chief Dionardo Carlos ang Southern Luzon police office dahil sa pagkakaaresto ng mga high value target na sangkot sa drug trafficking at distribusyon ng mga ipinagbabawal na gamot na sumisira sa buhay at pangarap ng mamamayan.

Please follow and like us: