High value individual sa Laguna arestado dahil sa ilegal na droga

Isang lalaki na nasa talaan ng mga high value individual ang naaresto, sa isinagawang buy-bust operation ng mga miembro ng regional drug enforcement unit o RDEU-4A at mga kagawad ng Biñan City police station, sa harapan ng isang kilalang bus terminal sa Brgy. Sto. Domingo.

Nakilala ang suspek na si Sherwin Hicana, 25-anyos, binata at tubong Cabuyao City, Laguna.

Nakumpiska kay Hicana ang isang pirasong transparent plastic bag na may lamang hinihinalang shabu, na tumitimbang ng 100 gramo at nagkakahalaga ng 680 libong piso.

Nakuha rin mula sa kanya ang 1,000 peso bill na nasa ibabaw ng isang bundle ng boodle money, na ginamit sa nasabing operasyon.

Halos tatlong linggong sinubaybayan ng mga awtoridad si Hicana, at ito ay nadakip sa tulong na rin ng isang confidential informant.

Si Hicana na dati nang nakulong dahil din sa ilegal na droga, ay mahaharap sa kasong paglabag sa Republic Act 9165.

Ulat ni Antonio Lagunoy, Jr

Please follow and like us: