Higit 100 mga Pulis, nakarekober mula sa Covid-19

Nakapagtala ang Philippine National Police (PNP) ng mga bagong mga nakarekober sa Covid-19.

Sa datos ng PNP Health Service as of May 2, 2021, nakapagtala ng 110 mga pulis na gumaling sa virus infection.

Dahil dito, umakyat na sa 18,776 ang kabuuang mga gumaling sa PNP sa Covid-19.

Habang nasa 20,509 ang kabuuang kaso ng Covid-19 sa kanilang hanay na mayroong 1,677 active cases.

Please follow and like us: