Higit 100 pulis, nakarekober sa Covid-19

Isandaan at siyam (109) bagong mga gumaling mula sa Covid-19 ang naitala ng Pambansang Pulisya.

Sa datos ng PNP Health service ngayong July 22, 2021, umakyat na sa 28,308 ang kabuuang mga gumaling sa virus infection sa kanilang hanay.

Samantala, nakapagtala rin ng karagdagang 71 mga kaso ng Covid-19 kaya umakyat na sa 29,541 ang kabuuang kaso na nasa 1,154 ang active cases.

Nanatili naman sa 79 ang death toll.

Please follow and like us: