Higit 12,000 recoveries sa Covid-19, naitala sa hanay ng mga overseas Filipino

Walang naitalang bagong mga kaso ng Covid-19 sa hanay ng mga overseas Filipino.

Kaya nanatili sa 19,720 ang kumpirmadong kaso ng virus infection sa ating mga kababayan sa ibang bansa.

Nakapagtala naman ng kabuuang 1,179 mga nasawi sa nasabing karamdaman.

Gayunman, umakyat na sa 12,004 ang mga gumaling sa virus infection.

Ang datos ng Department of Foreign Affairs ay mula sa 94 mga bansa at teritoryo sa buong mundo.

Please follow and like us: