Higit 159 million na commuters nakinabang sa libreng sakay ng LTFRB

Nasa kabuuang 159 million, 721 thousand, 516 na mananakay ang naserbisyuhan ng ikatlong bugso ng service contracting program ng Land transportation Franchising and Regulatory Board.

Ito ay mula April 11 hanggang August 2 ngayong taon.

Nauna nang inilunsad ang programa upang tulungan ang mga driver at operator na naapektuhan ng COVID-19 pandemic at pagtaas ng presyo ng langis.

Nagpasalamat ang Department of Transportation at LTFRB sa publiko, sa bawat konduktor, drayber at operator na nakabahagi sa nasabing programa.

Please follow and like us: