Higit 300 OFW mula Kuwait, nakauwi na ng bansa

Nasa kabuuang 336 Overseas Filipino Workers (OFWs) ang dumating sa bansa mula Kuwait ngayong Linggo.

Ayon sa Department of Labor and Employment (DOLE), ang mga Pinoy ay dumating alas-10:30 ng umaga sa NAIA Terminal 1.

Sinalubong sila ni Overseas Workers Welfare Administration (OWWA) Administrator Hans Leo Cacdac.

Isa-isang binigyan ng pasalubong at cash gift mula sa DOLE at OWWA ang mga umuwing OFW.

Ang mga Pinoy ay nakauwi ng bansa sa pamamagitan ng mass repatriation flight program ng gobyerno.

Please follow and like us: