Higit 300 violators sa Quarantine guidelines, naitala ng Zamboanga city

Kabuuang nasa 314 violators ang naitala ng Zamboanga city Police Office.

Ito ang lumabas sa datos ng ZCPO hanggang kahapon, August 26.

Nanguna sa mga naitalang paglabag ay hindi pagsunod sa physical distancing, sumunod ang paglabag sa curfew hours, hindi pagsusuot ng face mask, kabiguang makapag-prisinta ng valid ID at quarantine pass, non-APOR at hindi pagsusuot ng face shield.

Samantala, batay sa datos ng Zamboanga Task Force hanggang August 26, 2021, nakapagtala ang lungsod ng karagdagang 51 bagong kaso, 19 recoveries at 3 bagong pumanaw.

Dahil dito, pumalo na sa 12,508 ang kabuuang kaso sa lungsod na may 11,735 recoveries at 623 mga namatay.

Please follow and like us: