Higit 3,000 bagong kaso ng Covid-19, naitala ng DOH

252020125_250101160489997_2291048422377788604_n

Nakapagtala ang Department of Health ng karagdagang 3,117 na kaso ng COVID-19 ngayong Lunes.

Dahil dito, pumalo na sa 2,790,375 ang kabuuang kaso at 43,185 ang aktibong kaso ng Covid-19.

Samantala ay mayroon namang naitalang 5,124 na gumaling kaya umakyat na sa 2,703,194 ang kabuuang nakarekober sa karamdaman.

Mayroon namang 104 na pumanaw kaya umakyat na sa 43, 276 ang kabuuang pumanaw dahil sa virus infection.