Higit 3,000 indibidwal, nabakunahan sa QC kahapon

Nakapagtala ang Quezon city Local Government ng kabuuang 3,083 indibidwal na nabakunahan kontra Covid-19 kahapon.

Ang mass vaccination ay isinagawa sa Smart Araneta Coliseum.

Ayon sa City Government, ito na ang pinakamaraming doses na nagamit sa pagbabakuna sa isang araw at sa iisang vaccination site.

Samantala, bukas, May 31, ipagpapatuloy ang pagbabakuna ng first dose para sa mga kabilang sa A1, A2 at A3 priority group.

Pitong vaccination sites ang bubuksan bukas sa iba’t-ibang distrito ng lungsod.

Mahigpit na ipinagbabawal ang walk-in sa mga vaccination sites.

Please follow and like us: