Higit 300,000 doses ng Moderna vaccines, dumating sa bansa ngayong hapon

Nasa kabuuang 326,400 doses ng Moderna vaccines ang dumating sa bansa ngayong alas-3:35 ng hapon.

Lumapag ang mga bakuna sa NAIA Terminal 3 lulan ng Singapore Airlines Flight SQ912.

Ang ma bakuna ay sinalubong nina Vaccine czar Sec. Carlito Galvez at NAIA District Customs Collector Carmelita Talusan.

Sabi ni Galvez, ipamamahagi ang mga bakuna sa mga lugar na may mataas na kaso ng Covid-19.

Please follow and like us: