Higit 400 Senior Citizen sa QC, tumanggap ng first dose ng Moderna covid-19 vaccine

Naging maayos ang pagbabakuna sa mga senior citizen sa Barangay Pasong Tamo sa Quezon City.

Umaabot sa 420 nakatatanda ang nabakunahan ng kanilang unang dose gamit ang Moderna vaccine.

Itinakda ang kanilang second dose sa September 12.

Idinaos ang pagbabakuna sa Pasong Tamo Elementary School na sa ngayon ay ginagamit bilang isa sa mga vaccination site dahil sa nagpapatuloy na ipinagbabawal ang face to face classes.

Sa QC, umaabot na sa 41.76 percent ang fully vaccinated individuals.

Please follow and like us: