Higit 600,000 residente ng QC, fully vaccinated na

Nasa kabuuang 1,663,563 doses na ng bakuna kontra Covid-19 ang naipamahagi na sa Quezon City.

Dahil dito, ayon sa city government, umaabot na sa 1,051,902 o 61.88% ng 1.7 Million na target population ang naturukan na ng unang dose.

Ito ay sa kabila ng limitadong suplay ng bakuna.

Habang nasa 611,661 o 38.05% na ang nakatanggap ng second dose.

Muling hinikayat ang mga residente na hindi pa nababakunahan na magparehistro na sa QC Vax Easy upang makatanggap na ng schedule ng pagbabakuna.

Maaaring magutngo sa https://qceservices.quezoncity.gov.ph/qcvaxeasy

Please follow and like us: