Higit P1-M  halaga ng iligal na droga, nasabat ng  PNP Navotas

 

Nasa 1.1 milyong pisong halaga ng ipinagbabawal na droga ang nasabat ng mga tauhan ng Navotas Police sa isang buy-bust operation sa Tanique st, Barangay NBBS sa Lungsod ng Navotas.

Arestado ang mga suspek na maydala ng iligal na droga na sina Mark Renzo Valerio, Jaysen Manalaysay  at Glen Lacson na pawang residente sa Lungsod.

Nakumpiska sa mga ito ang nasa 170 gramo  ng Hinihinalang shabu at nag kakahalaga ng one million and one hundred fifty six thousand pesos at ang isang 38 kalibre ng baril na may apat na bala.

Kaya naman nahaharap ang mga suspect sa kasong R.A.9165 Comprehensive Dangerous drug act of 2002 at RA 10591 o Comprehensive laws on fire arms and ammunition.

Samantala, isinagawa ang illegal drug operation sa pangunguna ni PLT Luis Rufo Jr ng Station Drug Enforment Unit sa ilalim na rin ng direktiba ni Navotas Police Chief  PCol Dexter Ollaging kaugnay ng pagbuwag sa mga  sindikato ng droga sa lungsod.

Kaya naman patuloy ang paalala ng awtoridad sa publiko na hindi sila titigil na sugpuin ang mga taong nagpapakalat ng iligal na droga sa Navotas City.

Edison Domingo Jr.

Please follow and like us: