Higit P3-M halaga ng shabu, nasabat ng PCG sa Zamboanga City

Aabot sa P3.4 milyong halaga ng shabu ang nasabat ng mga tauhan ng Philippine Coast Guard ( PCG ) sa cargo area ng isang airline company sa Zamboanga City.

Ayon sa PCG, ang 500 gramo ng shabu ay nasabat sa tulong ng kanilang K-9 working dog na si Bunny.

Batay sa imbestigasyon, ang package mula sa isang Farhana Maddih mula sa Maluso, Basilan at ipadadala sana sa isang Dayana Ismael na taga Quezon City.

Nai-turn over na ang nasabing pakete na naglalaman ng iligal na droga sa Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) – Region IX para sa karagdagang imbestigasyon at proper disposition.

Madelyn Villar – Moratillo

Please follow and like us: