Hindi bababa sa 20 patay bunsod ng malakas na pag-ulan sa Venezuela

Residents are seen in an area where several homes were destroyed by a mudslide caused by heavy rains in Valle del Mocoties community, municipality of Tovar, Merida state, Venezuela on August 26, 2021 (Photo by Miguel Zambrano /AFP)

MERIDA, Venezuela (AFP) – Umakyat na sa 20 ang mga nasawi dulot ng malakas na pag-ulan na naging sanhi ng mudslides at mga pagbaha. Ayon sa mga awtoridad, 17 iba pa ang nawawala.

Ayon kay Interior Minister Remigio Ceballos, siyam na estado na ang nasa “emergency” situation at higit 54,000 katao na ang naapektuhan ng mga pag-ulan.

Pinakatinamaan ay ang estado ng Merida, kung saan umapaw ang Mocoties river kayat binaha ang mga village at naging dahilan din ng pagkaputol sa mga linya ng telepono at kuryente.

Naapektuhan din maging ang Caracas na kapitolyo ng Venezuela.

Sinabi naman ni President Nicolas Maduro, na higit walong libong mga bahay na sa 11 estado ang nasira. Aniya, ang nararanasang malakas na pag-ulan ay may kaugnayan sa climate change.

Ayon sa mga siyentista, pinalalala ng climate change ang panganib ng malalakas na pag-ulan sa buong mundo, dahil ang mas mainit na atmospera ay nag-iipon ng mas maraming tubig.

Agence France-Presse

Please follow and like us: