Hindi bababa sa 62, patay sa gas truck explosion sa Haiti

Hindi bababa sa 62 katao ang nasawi nang sumabog ang isang gas tanker sa Cap-Haitien City sa Haiti.

Ayon sa medics, maaaring maragdagan pa ang nasabing bilang.

Sinabi ni Deputy Mayor Patrick Almonor, na hinahanap pa rin ng mga awtoridad ang mga biktima sa debris ng sumabog na tanker.

Aniya, nakagigimbal ang senaryo sa pinangyarihan ng pagsabog, kung saan higit 50 katao ang nasunog ng buhay at imposible nang makilala ang mga ito.

Sinabi naman ni Prime Minister Ariel Henry na marami rin ang nasaktan sa pangyayari.

Ayon kay Almonor, ang trak ay pinaniniwalaang bumaligtad matapos mawalan ng kontrol ang driver nito makaraang iwasan ang isang motorcycle taxi.

Nasa 40 mga bahay din aniya ang nasunog dahil sa pagsabog ngunit wala pang detalye sa bilang ng posibleng mga biktima sa loob ng mga nabanggit na bahay.

End

Please follow and like us: