Hirit na TRO ng isa pang party-list group laban sa kanselasyon ng COMELEC, pinaboran ng SC

Nakakuha ng paborableng desisyon mula sa Korte Suprema ang grupong Juan Pinoy laban sa pagbasura ng COMELEC sa kanilang party-list registration.

Sa dalawang-pahinang resolusyon ng Supreme Court En Banc, nag-isyu ito ng TRO para pansamantalang ipatigil ang utos ng poll body na ibasura ang petition for registration ng Juan Pinoy bilang party-list group.

Ayon sa SC, may sapat na porma at substansya ang petisyon ng grupo.

Ipinagutos naman ng Korte Suprema sa COMELEC na sagutin ang petisyon sa loob ng 10 araw.

Moira Encina

Please follow and like us: