IATF, hinimok na patawan ng sanctions ang mga maling nagbakuna laban sa COVID-19

Hindi lang umano sa Makati nangyari ang maling pagtuturok ng bakuna laban sa COVID- 19.

Sinabi ni Senate President Vicente Sotto III nakatanggap siya ng report na nangyari rin ang kaparehong insidente sa iba pang vaccination site sa Mandaluyong at Quezon city.

Kaya apila ni Sotto sa inter agency task force, imbestigahan ang maling pagtuturok ng bakuna.

Kailangan aniyang umaksyon ang IATF at magpataw ng sanctions hinggil dito.

Nais rin nitong pa imbestigahan kung may nangyayaring kurapsyon o bentahan ng bakuna.

Meanne Corvera

Please follow and like us: