IBP hinimok ang mga abogado na magparehistro na para sa COVID-19 vaccination

Hinikayat ng Integrated Bar of the Philippines (IBP) ang mga abogado at IBP Chapters na magparehistro na para sa COVID-19 vaccination.

Ang mga nasa legal profession gaya ng mga abogado ay kabilang sa A4 vaccination priority.

Ayon sa IBP, dapat makipag-ugnayan na ang mga abogado sa LGUs sa kani-kanilang lugar para mapabilang sa mga babakunahan mula sa nasabing priority list.

Una nang sumalat sa IATF ang liderato ng IBP upang hilingin na makasama sa iba pang essential workers sa ilalim ng A4 group ang mga abogado dahil sa nature ng kanilang trabaho.

iginiit ng IBP na at risk din sa COVID-19 ang mga abogado dahil hindi maiiwasan sa kanilang trabaho ang direktang contact sa mga kliyente.

Nagpasalamat naman ang IBP sa pagpabor ng IATF sa kanilang kahilingan na mapabilang ang legal frontliners sa ikaapat na priority population.

Moira Encina

Please follow and like us: