Ika-siyam na vaccination site ng Taguig tumatanggap na ng online appointment

IMG_20210522_154909_577

Bukas na para sa online appointment ang bagong mega vaccination hub ng Taguig City, na nasa Cinemas 1 at 5 ng Venice Grand Canal mall.

Ang mga residente ng lungsod na kabilang sa A1,A2 at A3 categories COVID-19 vaccination priority list, ay puwede nang magpa-book ng appointment sa trace.taguig.gov.ph.

Para naman sa mga katanungan at iba pang concerns, ay maaaring mag-email mail sa Taguig vaccination center sa covidvaccine@taguiginfo.com o kontakin ang mga bagong accine hotline araw araw, mula ala-6:00 ng umaga hanggang alas-10:00 ng gabi.

Ulat ni Archie Amado