Ikinukonsiderang pinakamatandang tao, pumanaw na sa Japan sa edad na 119

Photo: pna.gov.ph

Pumanaw na sa edad na 119 si Kane Tanaka, isang Haponesa na ikinukonsiderang pinakamatandang tao sa mundo.

Si Tanaka ay isinilang noong Enero 2, 1903 at nagtrabaho sa grocery store ng pamilya hanggang edad 103. Ang kaniyang mister at panganay na anak na lalaki ay namatay noong ikalawang digmaang pandaigdig.

Simula noong 2005 ay sa isang nursing home sa Fukuoka prefecture na siya nanirahan.

Noong 2019, si Tanaka ay kinilala ng Guinness World Records bilang pinakamatandang taong nabubuhay.

Please follow and like us: