Ilan pang bagong appointees sa CA at RTCs, pinangalanan

Muling nagtalaga si Pangulong Rodrigo Duterte ng mga manunungkulan sa Court of Appeals at regional trial courts.

Isa na rito si bagong CA Associate Justice Mary Charlene Hernandez- Azura na kapalit ni dating Associate Justice Remedios Salazar-Fernando na itinalagang Presiding Justice ng appellate court.

Naglagay din ang Palasyo ng mga pitong bagong hukom sa Mindanao.

Ang mga ito ay itinalaga sa mga RTCs sa Davao Del Sur, Davao Oriental, Davao Del Norte, Lanao Del Sur, at Lanao Del Norte.

Hinirang naman na hukom sa Makati RTC Branch 149 si Juan Jose Enriquez III.

Moira Encina

Please follow and like us: