Ilan pang Hukuman sa bansa, pansamantalang isinara

Isinailalim sa red zone hard lockdown ng Naga City Health Emergency Response Task Force ang Branches 2 at 3 ng Naga city Municipal Trial Court in Cities.

Dahil dito, ipinag-utos ni Naga city MTCC Executive Judge Margaret Armea ang pisikal na pagsasara ng mga nasabing Korte hanggang August 14 para sa decontamination at sanitation.

Ang mga hukom at kawani ay inatasan din na mag-work from home muna at aksyunan ang mga urgent matters.

Tuloy din ang pagdinig ng mga kaso thru video-conferencing kung kakayanin.

Samantala, sarado mula August 14 hanggang sa August 23 ang Lucena City RTC.

Sa Memorandum ni Executive Judge Dennis Galahad Orendain, sinabi na nag-positibo sa Covid-19 ang 10 Court Personnel sa isinagawang swab test ng Lucena city Health Office at Quezon Provincial Health office.

Ang physical closure aniya ay para maiwasan ang lalong pagkalat ng virus sa buong RTC building.

May posibilidad din anya na may iba pang Court employees na lumabas na positibo rin sa Covid na sumailalim sa swab test.

 

Ulat ni Moira Encina

Please follow and like us: