Ilang bahagi ng Mandaluyong, San Juan at Quezon City, may water interruption simula bukas, Dec. 6

Ilang bahagi ng Metro Manila na sineserbisyuhan ng Manila Water ang mawawalan ng tubig simula bukas, December 6.

Sa anunsiyo ng water concessionaire, ito ay dahil sa isasagawang line maintenance activity sa F. Blumentritt, corner P. Cruz, Barangay Hulo.

Sa Mandaluyong city, magsisimula ang water interruption alas-9:00 ng gabi ng December 6 at magtatapos ng alas-3:00 ng madaling-araw ng December 7.

Kabilang sa mga apektadong lugar ay ang bahagi ng Barangay Hulo partikular ang: Saniboy st., Ret. Rev. G. Aglipay st., Senator Neptali A. Gonzales st., Private Road, J.P. Rizal st. at Coronado st.

photo credit: Manila Water FB page

Sa San Juan city naman, magsisimula ang water interruption alas-10:00 ng gabi ng Dec. 6 at magtatapos ng alas-5:00 ng umaga ng Dec. 7.

Apektado ang ilang bahagi ng Barangay Balong Bato dahil sa line maintenance sa Aurora Blvd., cor. F. Roman St., Brgy. Balong Bato.

Habang sa QC naman ay magsisimula ang interruption alas-10:00 ng gabi ng Dec. 9 at matatapos ng alas-5:00 ng umaga ng Dec. 10.

Ito ay dahil sa line maintenance sa bahagi ng Kalantiaw st., cor. P. Tuazon Ave., Brgy. Villa Maria Clara.

Apektado ang ilang bahagi ng Brgy. Masagana at Brgy. Villa Maria Clara.

Please follow and like us: