Ilang bahagi ng Pampanga, makararanas ng power interruption

IMG_20210820_151706_844

Muling mawawalan ng suplay ng kuryente ang ilang bahagi ng Guagua, Pampanga.

Ayon sa PELCO 2, kabilang dito ang Brgy. San Nicolas 2nd sa Betis, Purok 2 at ilang bahagi ng Purok 3 sa Santiago Subdivision at NAWASA pumping station sa darating na Martes (Aug. 24) sa ganap na alas-8:30 ng umaga hanggang alas-4:00 ng hapon.

Ang power interruption ay bunsod ng pagpapalit sa nabubulok at humahapay nang poste sa San Nicolas 2nd, Betis.

Arnold Batario